Top 3 at Top 6 Most Wanted sa Kasong Arson, Natimbog!

*Isabela-* Nahulog na sa kamay ng kapulisan ang dalawang katao na parehong may Kasong Sadyang Panununog o Arson sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa ng PNP Mallig at PNP Cordon.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, kinilala ang Top 3 Most Wanted sa bayan ng Cordon, Isabela na si Maximo Corpuz, kwarentay uno anyos, magsasaka at residente ng Villa Miemban, Cordon, Isabela habang ang Top 6 Most Wanted naman sa bayan ng Mallig, Isabela ay kinilalang si Carlito Dumlao, may-asawa, Traysikel Drayber at residente ng Brgy. Manano, Mallig, Isabela.

Si Corpuz ay nadakip ng kapulisan sa Brgy, Anonang, Cordon, Isabela sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Efren Cacatian ng RTC Branch 35 Santiago City, Isabela dahil sa kaso nitong sadyang Panununog o Arson samantalang si Dumlao naman ay nadakip sa Brgy. Manano, Mallig, Isabela sa bisa ng Warrant of Arrest na unang ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 Roxas, Isabela noong ika-tatlumpo ng Hulyo taong dosmil nuebe dahil sa kaso rin nitong Arson.


Nasa kustodiya na ng kapulisan ang dalawang suspek na nakatakdang iharap sa korte kung saan walang inirekomendang piyansa ang hukuman hinggil sa kanilang kasong kinakaharap.

Facebook Comments