Top 3 Most Wanted (Municipal Level) sa Benito Soliven Isabela na May Kasong Panggagahasa, Arestado!

113

Benito Soliven, Isabela – Naaresto na ng kapulisan kahapon ang akusado na nasa top 3 most wanted sa municipal level ng Benito Soliven dahil sa kasong panggagahasa matapos na nagtago sa batas ng apat na taon.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Senior Inspector Joel Bumanglag, hepe ng Benito Soliven Police Station na kinilala ang akusado na si Leimar Casicas, tatlumpu’t tatlong taong gulang, walang asawa, isang welder at residente ng Brgy. Sinawit Caposeran, Benito Soliven, Isabela.


Ayon pa kay Police Senior Inspector Bumanglag, ang pagkakahuli kay Casicas sa Barangay San Pablo, Aurora ay sa bisa ng mandamiento de arresto na ipinalabas ni hukom Raul Babaran ng RTC Branch 19 Cauyan City at walang nairekomendang piyansa para sa akusado.

Ipinahayag pa ni PSI Bumanglag na isang menor de edad umano ang naging biktima sa ginawang panghahalay ni Casicas kung saan ito ay naganap sa lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments

From Advertisers