BINALAAN | DOLE, nagbabala sa mga pekeng POEA certificates

Manila, Philippines – Nagbabala si Labor Secretary Silvestre Bello III sa bagong modus ng mga kawatan na gumagamit ng mga pekeng certificate of no pending appealed case upang i-withdraw ang escrow deposits ng mga recruitment agencies.

Ayon kay Bello, nakarating sa kanilang tanggapan ang modus na ito, makaraang mayroong dalawang overseas recruitment agency ng nagpadala sakaniya ng sulat, at nagtatanong sa otentisidad ng nasabing certificates na in-issue raw ng DOLE.

Giit ni Bello, tangging ang POEA at National Labor Relations Commission lamang ang may kakayahan na i-release ng escrow deposit ng mga recruitment agency.


Sa ngayon ay inaalam na ng DOLE ang mga nasa likod ng modus na ito, habang nananawagan rin ang kalihim sa publiko na agad ipagbigay alam sa kanilang tanggapan sakaling maka engkwentro ng kaparehong insidente.

Facebook Comments