Top 3 Most Wanted na Lalaki, Natimbog!

Cauayan City, Isabela- Nadakip ng kapulisan ang isang magsasaka na itinuturing na Top 3 Most Wanted Municipal Level matapos isilbi ang Alias warrant nito sa Brgy Palitud, Paracelis, Mt. Province.

Ang akusado na si Romulo Enriquez, alyas ‘Mulong’, 50 taong gulang, may-asawa at residente ng nabanggit na barangay ay hinuli sa bisa ng Alias warrant na inisyu ni hukom Bernabe B. Mendoza ng RTC Branch 23, Roxas, Isabela noong November 19, 2018.

Si Enriquez ay nahaharap sa kasong Homicide na may kaukulang piyansa na Php.40,000.00.


Dinala na sa Roxas Police Station ang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments