Top 3 Most Wanted Person sa Cauayan City, Arestado!

*Cauayan City, Isabela- *Bagsak na sa kulungan ang isang tricycle driver na itinuturing na Top 3 Most Wanted Person sa Lungsod ng Cauayan matapos na madakip pasado alas onse kaninang umaga sa Rizal Avenue District 2, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang akusado na si Macario Barbosa, 53 anyos, may-asawa at res ng MH Del Pilar, Alicia, Isabela.

Batay sa impormasyon na nakuha ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), hinuli si Barbosa sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Raul V Babaran, ng RTC Branch 19, Cauayan City, Isabela.


Si Barbosa ay nahaharap sa kasong Murder at Frustrated Murder kung saan walang inilaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala na sa Cauayan City Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments