Top 3 Most Wanted Person sa Echague, Isabela, Natimbog!

*Echague, Isabela- *Nadakip na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 3 Most Wanted Person sa bayan ng Echague, Isabela nang maisilbi ang warrant of arrest nito pasado alas nuebe kaninang umaga sa Brgy. San Fabian, Echague, Isabela.

Ang akusado ay nakilalang si Gilberto Aguirang, 37 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. San Felipe Echague, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan, hinuli sa bisa ng warrant of arrest ang akusado na inihain ni judge Bonifacio T Ong ng RTC Branch 24 Echague, Isabela dahil sa kinakaharap na kasong 2 Counts na paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence against Women and their Children (VAWC).


Nasa kustodiya na ng PNP Echague ang akusado para sa karagdagang dokumenstasyon at pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng tig-dalawang libong piso (P2,000.00) sa bawat kaso nito.

Facebook Comments