Top 3 Most Wanted Provincial Level, Kalaboso

Cauayan City, Isabela- Nadakip na ng mga alagad ng batas ang Top 3 Most Wanted person sa Provincial Level sa barangay Maura, Aparri, Cagayan.

Ito’y sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Francisco S. Donato, Executive ng RTC Branch, 33, Ballesteros, Cagayan na isinilbi kay Danny Alariao, 51 anyos, may asawa, mangingisda at residente ng brgy. Maura sa naturang bayan.

Si Alariao ay nahaharap sa kasong Murder at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Nasa kustodiya ng pulisya ang akusado at nakatakdang ipasakamay sa kanyang court of origin.

Facebook Comments