Top 3 Most Wanted sa Isabela, Arestado!

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 3 Most Wanted Person sa Lalawigan ng Isabela matapos na mahuli sa Sitio Gapa, Brgy San Antonio, Cabagan, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan, matagal nang nagtatago sa batas ang akusado na si Freddie Garro, 51 anyos, may-asawa, magsasaka at residente rin ng nasabing lugar.

Nabatid na si Garro ay nahaharap sa kasong Robbery with rape kasama ang kanyang pinsan na nagngangalang ‘Antonio’ na ikinulong noong Agosto 6, 1995 sa Isabela Provincial Jail at tumakas sa naturang bilangguan noong September 4, 1997.


Nagpanggap rin umano bilang miyembro ng New People’s Army (NPA) si Garro na ginawang modus para makapangikil sa mamamayan.

Si Garro ay nadakip dakong 1:30 ng hapon, Nov. 9, 2019 ng tracker team at operatiba ng PNP Cabagan at siya’y nasa kustodiya na ng nasabing pulisya.

Facebook Comments