Top 3 most wanted sa lungsod ng Mandaluyong, arestado na

30

Timbog ang top 3 most wanted sa Mandaluyong City matapos ikasa ng mga awtoridad ang operasyon laban suspek kahapon.

Nakilala ang suspek na si Lloyd Peter Grabato Austro, nasa hustong gulang at may kinakaharap na kasong murder.


Isinagawa ang paghahain ng warrant of arrest sa suspek pasado alas-6:15 kagabi matapos matunton ang kinaroroonan ng suspek sa Kawit, Cavite.

Ang warrant of arrest ay ibinaba ng Mandaluyong Regional Trial Court o RTC Branch 213.

Facebook Comments