Top 3 Outstanding SK Councils ng Cauayan City, Sinasala na!

*Cauayan City, Isabela- *Sinasala na ngayon ng Lungsod ng Cauayan ang Top 3 Outstanding Sangguniang Kabataan Councils mula sa labinglimang nominado sa Lungsod.

Ang top 15 na finalist ay kinabibilangan ng Brgy. Nagrumbuan, Marabulig 1, Pinoma, Casalatan, San Pablo, Baculod, Villa Conception, Sta. Maria, Labinab, Guayabal, San Fermin, Alicaocao, District 3, Cabaruan at Brgy. District 2.

Sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay SK Chairman Shiela Villa ng Brgy. San Fermin, masaya ito dahil kabilang sila sa Top 15 finalist para sa 3 Most Outstanding SK Councils sa Lungsod ng Cauayan.


Naging batayan anya ang kanilang pagpasok sa listahan ay ang kanilang mga nagawang proyekto gaya ng feeding program, gift giving, bible sharing at iba pang mga proyekto para sa kanilang nasasakupan sa kabila na wala pa silang hawak na pondo.

Naisusumite rin anya nila ng maayos ang mga dokumento na hinihingi sa kanila ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Anumang araw ay iaanunsyo ng SK Federation Council katuwang ang DILG Cauayan ang tatanghaling Top 3 SK Outstanding Council kasabay ng Gawagaway-yan Festival ng Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments