TOP 4 MOST WANTED PERSON SA ISABELA, NAKORNER NG KAPULISAN

Cauayan City – Hindi na makakatakas pa sa kamay ng batas ang isang lalaki matapos itong maaresto ng mga awtoridad kahapon ika-8 ng Setyembre sa Brgy. Daligan, Jones, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Freddie”, itinuturing na ika-4 sa listahan ng Top Most Wanted Person sa buong Isabela dahil sa tatlong bilang ng kasong Statutory Rape na kinahaharap nito.

Naaresto ang suspek sa bisa ng mandamyento de aresto na inisyu ng korte laban sa kanya para sa nabanggit na kaso kung saan walang inirekomendang piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Matapos ang tagumpay na pagkakaaresto, kaagad na dinala sa Jones Police Station ang suspek para sa dokumentasyon bago ito ibalik sa korteng pinagmulan ng kanyang kaso.

Facebook Comments