Top 4 Most Wanted Person sa Provincial Level, Arestado sa Pagtutulak ng Droga!

103

City of Ilagan, Isabela – Bagsak kulungan ang tinaguriang Top 4 Most Wanted Person sa Provincial Level matapos mahulog sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad dakong ala una ng hapon sa Brgy. Bagumbayan, City of Ilagan, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Christian Abalos Dauigoy, nasa tamang edad at residente ng nasabing barangay.


Sa nakuhang report ng RMN Cauayan, inaresto si Dauigoy nang bentahan nito ang isang poseur buyer ng isang folded paper na naglalaman ng marijuana.

Narekober mula sa pag-iingat ng suspek ang isang limang daang piso bilang buy bust money at isang unit ng Cellphone.

Dinala na sa City of Ilagan Police Station ang suspek maging ang mga nakumpiska para sa karagdagang imbestigasyon at tamang disposisyon.

Samantala, mahaharap ngayon sa kasong Paglabag sa RA 9165 si Christian Dauigoy.



Facebook Comments