TOP 4 MOST WANTED SA STA. BARBARA, ARESTADO

Arestado ang itinuturing na Top 4 Most Wanted Person municipal level sa Sta. Barbara, sa pinagsanib na puwersa ng kapulisan at San Jacinto Police Station sa Brgy. Poblacion Norte noong Huwebes,Marso 12.

Isinagawa ang pag-aresto sa bisa ng ilang Warrant of Arrest laban sa suspek kaugnay ng kasong Statutory Rape, at walang inirerekomendang piyansa.

Bukod dito, nahaharap din ang suspek sa tatlong bilang ng Sexual Assault na may inirekomendang piyansang ₱180,000 bawat kaso, at Acts of Lasciviousness na may inirekomendang piyansang ₱72,000.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya ng Sta. Barbara Police Station ang naarestong indibidwal habang isinasagawa ang kaukulang legal na proseso at dokumentasyon.

Samantala, muling iginiit ng Pangasinan Police Provincial Office ang kanilang pangako na paiigtingin pa ang mga manhunt operation at palalakasin ang kooperasyon ng mga himpilan ng pulisya upang mapanatili ang kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko sa buong lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments