Top 5 Places to Hangout on a Friday Night

Gusto mo bang mag-unwind matapos ang napakastressful na linggo? Narito
ang ilan sa mga lugar na maaari mong puntahan para makapag-enjoy at
makapagde-stress:

1. THE YARD

Kung gusto mo ng medyo chill na vibe at makatikim ng iba’t-ibang klase ng pagkain, sikat ang food park na The Yard ngayon sa bansa na may branches sa iba’t-ibang parte ng Metro Manila.


Ang The Yard ay isa mga food destination ng bawat barkada every Friday night. Dahil TGIF, they get to spend their night partying and enjoying the food sa lugar na ito.

2. URBAN BAR AND KITCHEN

IMAGE: TRIPADVISOR

Mula 12mn, unti-unting napupuno ng mga party people mula sa iba’t-ibang parte ng Metro ang URBN BAR. Sikat ito dahil isa itong events place para sa pagla-launch ng bagong mga produkto at madalas ay ito rin ang pinaggaganapan ng mga company events dahil sa malawak nitong interiors at magandang ambiance.

3. MERCATO CENTRALE

IMAGE: RAINBOW JOURNAL

Puno ng iba’t-ibang klase ng pagkain, at masarap na amoy ng mga pagkaing niluluto ng mga magtitinda. Ang Mercato Centrale sa BGC ay isa sa mga sikat na weekend market sa Metro. Apart from usual Pinoy foods, mayroon din ditong Thai, Chinese, Korean, Japanese, and Vietnamese foods na siguradong maeenjoy mosa affordable na presyo.

4. TIDES GRILL & BISTRO

IMAGE: ZOMATO

Kung gusto mong makapanood ng live performance ng isang banda, ito ang tamang lugar para sayo. Ang magandang ambiance ng lugar ang lalong nagustuhan ng mga pumupunta rito. Sulit din ang ibabayad mo rito dahil masarap ang mga inihahain nilang pagkain dito lalo na ang kanilang specialty na sisig. Perfect ang lugar na ito para magchill after stressful work.

5. OBLIVION

IMAGE: OBLIVION (FB)

Para sa Friday night mong puno ng stress at workloads, ang bar na ito sa QC ang sagot sa lahat ng problema mo. Kung gusto mo ng all out party at inumang swak sa bulsa. Mayroon itong malaking ballroom dance floor na gustung-gusto ng mga party-goers. Ang entrance fee mo na 500 ay may complimentary plated food and drink.


Article written by Jonnabel Escartin

Facebook Comments