PRRD, tuloy ang biyahe pa-South Korea sa susunod na linggo

34

Tuloy si Pangulong Rodrigo sa South Korea sa susunod na linggo para dumalo sa ASEAN-Republic of Korea Summit.

Sa press briefing sa Malakanyang kagabi, sinabi ng Pangulo na sa edad niyang 74 at tulad ng ibang mga nakatatanda ay marami na rin syang iniindang sakit.


Pero tiniyak ng Pangulo na kaya pa niyang bumiyahe sa labas ng bansa.

Paliwanag pa nito na kapag nag desisyon siyang dumalo sa isang okasyon sa abroad, ibig sabihin ay kaya pa ng kanyang katawan.

Nabanggit din ng Pangulo na may mga gamot na siyang iniinom araw-araw o maintenance medicines, kabilang dito ang para sa sakit niyang barrett, buerger’s disease, bitamina at iba pa.

Facebook Comments

From Advertisers