Top 6 Most Wanted na Magsasaka, Arestado!

301

Benito Soliven, Isabela – Inaresto ang isang top 6 most wanted na magsasaka matapos umanong magnakaw ng alagang kalabaw pasado alas onse kaninang umaga sa Brgy. Villaluz, Benito Soliven, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Jimmy Nacion, Sr., 56 anyos, may asawa, tubong Brgy. Villaluz, Benito Soliven, Isabela na kasalukuyang residente ng Brgy. General Luna, Llanera, Nueva Ecija.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Benito Soliven, nagbabakasyon umano si Nacion sa nasabing bayan sa Isabela ng arestuhin ito ng mga alagad ng batas matapos ipalabas ang mandamiento de aresto ni hukom Andrew U. Barcena ng RTC Branch 17 – City of Ilagan, Isabela noong Agosto 29, 2012.

Pansamantalang makakalaya si Nacion kung makakapaglagak ito ng nagkakahalagang P40,000 pesos..

Sa ngayon ay nasa kustodiya ng kapulisan ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers