Lalaki, dalawang beses nanalo ng $100K sa lotto

73
Image via Connecticut Lottery

Hindi makapaniwala si Bruce Rosa na nanalo siya ng $100,000 sa lotto sa panagalawang pagkakataon.

Napanalunan niya ang $100,000 o katumbas ng 5 milyong piso (P5,120,500) sa Connecticut Cash5 noong Hulyo 5 sa Stanford. Ayon kay Bruce, nanalo na siya ng parehong premyo noong Abril 27, 2018.


Sa apat na libong tumaya noong araw na ‘yon sa lotto, ang kaniyang numero na 4-16-17-23-33 ang nag-match sa draw lots.

Ayon kay Bruce, sinabi raw ng kaniyang biyenan na itaya niya pa rin ang parehong numero na nanalo noong nakaraang taon ngunit babaan lamang ng isang numero.

Dagdag niya, nang ma-draw ang lucky winning numbers ay hindi niya ito pinansin agad ngunit pamilyar ito sa kaniya.

Aniya, tinamad siyang bumangon upang i-check muli ang kaniyang mga numero. Kinabukasan nalang niya nalaman mula sa kaniyang mga pinsan na nanalo na naman siya ulit.

Sinamahan naman siya ng kaniyang manugang at malalapit na kaibigan upang kunin ang cheke.

Facebook Comments

From Advertisers