Top 6 Most Wanted Person-Municipal Level sa Tarlac, Nasakote sa Quezon, Isabela!

53

*Quezon, Isabela- *Nasa kamay na ng mga alagad ng batas ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person sa bayan ng Sta Ignacia, Tarlac na si Jaymar Sagun, 31 anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng Brgy Calipayan, Sta. Ignacia, Tarlac.

Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), bandang 5:30 kaninang umaga nang madakip ng mga otoridad si Sagun sa Brgy. Arellano, Quezon, Isabela sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Stela Marie Gandia-Asuncion ng 1st MCTC Sta Ignacia-Mayantoc-San Clemente-San Jose 3rd Judicial Region.

Inaresto si Sagun dahil sa kaso nitong Theft.

Nasa kustodiya na ng Quezon Police Station ang akusado at pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang P12,000.00.

Facebook Comments