Friday, March 6, 2026

TOP 6 MOST WANTED SA ANTAS NG PROBINSYA, ARESTADO SA PANGASINAN

Arestado ang mga awtoridad ang isang indibidwal na kabilang sa Top 6 Most Wanted Person sa antas ng probinsya sa bayan ng Rosales, Pangasinan.

Kinilala ang suspek sa alyas na “GI,” 26 anyos na street food vendor, at residente ng Urdaneta City, Pangasinan.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest kaugnay ng dalawang bilang ng kasong Qualified Rape of a Minor kaugnay ng Art. 266-B ng Revised Penal Code. Walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang paglaya ng suspek.

Matapos ang pag-aresto, agad na dinala ang akusado sa kustodiya ng Urdaneta CPS para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon alinsunod sa umiiral na batas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments