Friday, March 6, 2026

Senate Committee on Ethics, naglatag na ng rules and procedures para sa gagawing pagdinig sa mga nakahaing Ethics Complaint

Nagdaos ng pulong kaninang umaga ang Senate Committee on Ethics para ilatag ang rules at procedures na gagamitin sa pagdinig sa mga nakabinbing impeachment complaint laban sa ilang mga senador.

Ayon kay Senate Committee on Ethics Chairman Senator JV Ejercito, ipa-publish ang rules sa loob ng limang araw at pagkatapos nito ay titingnan naman kung may sapat na grounds ang mga reklamo.

Handa naman na mag-inhibit sa pagdinig ang mga inirereklamong senador.

Tinitiyak naman ni Ejercito na kahit executive session ang gagawing mga pagdinig ay magiging patas sila.

Aminado si Ejercito na ito ang unang pagkakataon na nakatanggap ang komite ng maraming ethics complaint laban sa mga senador.

Ang ilan sa mga senador na tukoy na may ethics complaint ay sina Senators Risa Hontiveros, Chiz Escudero, JV Ejercito at Bato dela Rosa.

Facebook Comments