CAUAYAN CITY- Hindi na makakapagtago pa sa batas ang isang lalaki matapos maaresto ang mga otoridad sa Brgy. Bagong Sikat, San Mateo, Isabela.
Kinilala ang suspek na si alyas “Jaypee”, nasa hustong gulang, at residente ng nasabing bayan.
Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong ika-13 ng Oktubre taong kasalukuyang sa kasong Qualified Rape at walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pag-iingat ng San Mateo Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.
Facebook Comments