Cauayan City, Isabela- Arestado ng mga otoridad ang isang construction worker na itinuturing na Top 7 Most Wanted person sa probinsya ng Tarlac.
Kinilala ang akusado na si Jhony Abogadje, alyas ‘Epi’, 35 taong gulang, may-asawa at residente ng Brgy Pinpinas, Sta Ignacia, Tarlac.
Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng mga kasapi ng PNP Quezon si Abogadje sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni hukom Francis William M Espinola, ng RTC Br 68, Camiling, Tarlac.
Si Abogadje ay nahaharap sa kasong dalawang (2) beses ng panggagahasa at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nakatakdang ipakasakamay sa court of origin ang akusado matapos itong maaresto kagabi at dinala sa himpilan ng PNP Quezon.