TOP 7 WCPD REGIONAL MOST WANTED PERSON, ARESTADO SA LUNGSOD NG CAUAYAN

CAUAYAN CITY- Hindi na makakapagtago pa sa batas ang isang lalaki matapos maaresto ng mga otoridad sa Brgy. San Antonio, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Chris John”, nasa hustong gulang, at residente ng nabanggit na lungsod.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Sexual Assualt, Anti-Child Abuse Law, at apat (4) na bilang ng kasong rape kung saan walang inirekomendang pyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Dinala ang suspek sa himpilan ng Cauayan City Component Police Station para sa kaukulang dokumentasyon bago ibalik sa korteng pinagmulan nito.

Facebook Comments