Top 8 Most Wanted Person sa Bayombong, Nueva Vizcaya, Arestado!

38

*Cauayan City, Isabela-* Natimbog na ang itinuturing na Top 8 Most Wanted Person sa bayan ng Bayombong, Nueva Vizcaya matapos isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Purok 1, Brgy. Masoc ng nasabing bayan.

Kinilala ni P/Capt. Jolly Villar, OIC ng PNP Bayombong, Nueva Vizcaya ang akusadong si Marcelino Dela Cruz, 43-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.


Dakong 11:10 kagabi nang mamataan ang akusado sa naturang lugar kaya’t agad na isinilbi ang kanyang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Rufus G Malecdan Jr, Acting Presiding Judge ng RTC branch 28 ng Bayombong, Nueva Vizcaya dahil sa kasong Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 na may criminal case #10936.

Walang inirekomendang piyansa ang hukuman sa kaso ni dela Cruz para sana sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang akusado ay pansamantalang nasa piitan ng pulisya para sa kaukulang dukomentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments

From Advertisers