TOP 8 MOST WANTED SA PANGASINAN, TIMBOG NG PULISYA

Arestado ang isang 42-anyos na lalaking isa sa “Top 8 Most Wanted Persons” sa probinsya ng Pangasinan Police Provincial Office, katuwang ang Quezon City Police District (QCPD) Police Station 4 noong Lunes, Enero 5, sa Novaliches, Quezon City.

Ayon sa pulisya, ang suspek ay nakaharap sa kasong Murder at paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na walang rekomendadong piyansa.

Matagumpay na naaresto ang suspke alinsunod sa Warrant of Arrest.

Kasalukuyang namang nasa kustodiya na ng San Carlos City PS ang suspek para sa dokumentasyon at tamang proseso ng paglilitis. Patuloy ang pulisya sa pagbabantay at pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang kapayapaan at seguridad sa probinsya.

Ipinahayag rin ng pulisya na ang pagkakahuli ay bahagi ng mas malawak na operasyon laban sa mga wanted persons sa Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments