Wednesday, August 5, 2026

𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑 π—–π—œπ—§π—¬, π—œπ—¦π—”π—•π—˜π—Ÿπ—”, π—žπ—œπ—‘π—œπ—žπ—œπ—Ÿπ—”π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗑𝗔 𝗔𝗑𝗧𝗔𝗦 π—‘π—š πŸ°π—£π—¦ 𝗣π—₯π—’π—šπ—₯𝗔𝗠

β€ŽCauayan City – Nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Cauayan ang Level 3 Functionality sa TAPAT Local Government Units’ Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Assessment para sa taong 2025, bilang pagkilala sa maayos at epektibong pagpapatupad ng programa para sa mga benepisyaryong pamilya.
β€Ž
β€ŽAyon sa DSWD Region II, ang pagkamit ng Level 3 ay nagpapakita ng malakas na koordinasyon, mahusay na paghahatid ng programa, at dedikasyon ng LGU at mga katuwang na ahensya upang matiyak na umaabot ang tulong sa mga nangangailangan.
β€Ž
β€ŽPinuri rin ng ahensya ang City Social Welfare and Development Office (CSWD) sa pamumuno nina Ma’am Len Alvendia Ancheta at Ma’am Edna Asuncion, pati na rin ang suporta ng Sangguniang Panlungsod, katuwang na ahensya, at iba pang stakeholder sa komunidad.
β€Ž
β€ŽAng pagkilala ay patunay ng patuloy na dedikasyon ng Cauayan City sa mahusay na pamamahala at makataong serbisyo, na naglalayong pagbutihin ang buhay ng bawat pamilyang CauayeΓ±o at tiyakin ang epektibong implementasyon ng mga programang panlipunan.
β€Ž
β€ŽPhoto credit: Balong Asirit/FB

Facebook Comments