Top drug suspect at dalawang iba pa, arestado sa Parañaque

ParaƱaque City – Kalaboso ang top 1 dug personality sa lungsod, kasama ang dalawang iba pa, matapos ang ikinasang anti-illegal drugs operation ng ParaƱaque City Police Station sa Lower Barangay, Barangay San Antonio.

Kinilala ni SPO1 Carlo Cruz ang mga suspek na sina Roberto Ochobillo alyas Putok, Joselito Blanco at Albert Mojica, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Nasamsam mula sa tatlo ang tatlong sachet ng hinihinalang shabu at ilang drug paraphernalia.


Inihahanda na ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa mga arestado.

Facebook Comments