Top Most Wanted Municipal Level sa Nueva Vizcaya, Timbog!

Cauayan City, Isabela- Hawak na ngayon ng PNP Echague, Isabela ang itinuturing na Top 1 Most Wanted person sa bayan ng Bagabag, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang akusado na si Eugene Sagauinit, 20 anyos, binata, trabahador at residente ng Sitio Curasay, Barangay Baretbet, Bagabag, Nueva Vizcaya.

Ganap na alas 10:00 kagabi nang maaresto ang akusado sa kanyang lugar sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Bonifacio T Ong ng RTC, Echague, Isabela dahil sa kasong tatlong (3) beses na paglabag sa RA 7610 o “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.”


Pansamantalang makakalaya ang akusado kung makakapagpiyansa ng tig-dalawang daang libong piso (P200,000) sa bawat kaso nito.

Facebook Comments