Top Most Wanted na Barangay Tanod, Arestado!

129

*Cauayan City, Isabela- *Natimbog na ng mga otoridad ang itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa bayan ng Alicia, Isabela matapos na isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Brgy. Aurora, Alicia, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Jong Mateo, 27 anyos, Barangay tanod at residente ng Brgy. Aurora, Alicia, Isabela.


Hinuli si Mateo bandang 12:30 ng hapon kahapon sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Ariel M Palce ng RTC branch 40, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong paglaba sa RA 7610 at may kaukulang piyansa na halagang P80,000.00.

Dinala na sa himpilan ng PNP Alicia ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments