Top Most Wanted sa Bansa, Nadakip sa Isabela!

San Guillermo, Isabela- Kulungan ang bagsak ng isang national level top most wanted person sa kasong pagpatay matapos na maaresto ng pinagsanib na pwersa ng DasmariƱas City Police Station, Regional Intelligence Unit 2, Regional Intelligence Unit 4-A, Cavite Provincial Intelligence Team at San Guillermo Police Station sa Brgy. Dipacamo, San Guillermo, Isabela.

Nakilala ang akusadong si Rommel Legaspi, 41-anyos, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Nahuli si Legaspi sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Romeo Tagra ng Regional Trial Court 4th Judicial Region, Branch 90 DasmariƱas City, Cavite dahil sa kasong pagpatay na may docketed under Criminal Case no. 4614-96 na walang nakalaang piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.


Si Legaspi ay may patong sa ulo o reward money na Php140,000.00.

Bago ipinasakamay sa DasmariƱas City Police Office si Legaspi ay isinailalim muna ito sa medical examination at dokumentasyon bago dalhin sa kanyang court of origin.

Facebook Comments