Top Most Wanted sa Kasong Rape, Kalaboso sa Isabela

32

Cauayan City, Isabela- Arestado ang isang lalaki na Top 1 Most Wanted Person sa municipal level sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng mga otoridad sa brgy. Quirino, Naguilian, Isabela.

Nakilala ang akusado na si Joselito Danao alyas ‘Jun-jun’, 25 taong gulang, may live-in partner at residente ng brgy. Quirino sa nasabing bayan.


Sa pangunguna ni PMaj. Merwin Villanueva, OIC ng PNP Naguilian, dinakip si Danao dahil sa kinakaharap nitong kasong dalawang (2) beses na panggagahasa.

Nasa kustodiya ngayon ng PNP Naguilian si Danao kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments