Tatlong personalidad kabilang ang dalawang driver, nahulihan ng iligal na droga sa Mandaluyong City

65

Kalaboso ang tatlong personalidad matapos na mahulihan ng iligal na droga nang magsagawa ng buy bust operation sa Block 39, Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Kinilala ang mga suspek na sina Raquel Decepida Foronda, 38-anyos, driver; Aiko Del Mundo Vivaz, 32-anyos; at Melvin Pascua Austria, 40-anyos, driver.


Batay sa imbestigasyon ng Mandaluyong Police, ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit ay nagsagawa ng buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.

Narekober sa mga suspek ang tatlong pirasong transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng tinatayang 29.6 gramo na nagkakahalaga ng P201,280 at P500 na buy bust money.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

Facebook Comments