Top plastic polluters sa bansa, pinangalanan ng isang environmental group

Pinangalanan na ng isang maka-Kalikasang grupo ang mga top plastic polluters sa bansa.

Ang  #breakfreefrom ay kinabibilangan ng iba’t ibang kaparehong organisasyon sa bansa na kumokondena sa malalang polusyon sa Pilipinas.

Sa pulong balitaan sa Quezon City, kabilang sa tinukoy ng


#breakfreefrom plastic ang tatlong naglalakihang brand manufacturers sa Pilipinas.

Ito’y pinangungunahan ng Coca-Cola, Nestle, at Pepsicola.

Nasa top lists din ang  Mondelez International, Unilever, Mars, P&G, Colgate-Palmolive, Philip-Morris at Perfetti Vanmelle.

Giit ng grupo, nananatiling mataas sa plastic production ang mga nabanggit na mga brand product companies na taliwas sa isinusulong na single-use plastic ng grupo.

Nanawagan ang grupo sa mga brand companies na itigil na ang paglikha ng sobrang plastic sa kanilang mga produkto na nakasisira sa kapaligiran na  nakakaapekto din sa kabuuang kalikasan.

Mas pinangambahan pa ito ngayon dahil sa paglobo pa ng bilang para sa taong 2019 na aabot sa mahigit sa 400,000 plastic na kinabibilangan ng pet bottles, LDPE plastic for bags, holders, dispensers, at plastic sachets.

Facebook Comments