TOPNOTCHER MULA NUEVA VIZCAYA, TUMANGGAP NG P200K

CAUAYAN CITY- Tumanggap ng dalawang daang libo piso ang isang topnotcher na Novo Vizcayano sa katatapos lamang na 2024 Geodetic Engineering Licensure Examination.

Siya ay si Hannah Mae Guimbongan, 22-anyos, isang scholar ng Sagut Scholarship Program Batch 2, at residente ng Brgy. Baracbac, Sta. Fe, Nueva Vizcaya.

Ang naturang insentibo ay personal na iginawad ni Gov. Atty. Jose Gambito kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan.


Ang insentibo ay bahagi ng Topnotchers Incentive Ordinance ng Pamahalaang Panlalawigan ng Nueva Vizcayano na naglalayong bigyan ng insentibo ang mga Novo Vizcaya na mangunguna sa anumang board examinations.

Samantala, pangalawa naman si Hannah Mae na makakatanggap ng parehong insentibo sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Facebook Comments