Hinirang ng flavour encyclopedia na Gastronomic catalog Taste Atlas bilang numero unong egg dish sa mundo ang ‘tortang talong’.
Sa top tier-list ng Taste Atlas, nanguna ang eggplant dish ng Pinas na may rating na 4.7, na sinundan ng Kuku Sabzi ng Iran na may rating na 4.6 at Huevos Divorciados ng Mexico na may 4.5 rating.
Inilarawan ng Taste Atlas ang tortang talong bilang isang “simpleng Filipino dish kung saan inihaw ang talong at ihahalo sa itlog at pagkatapos ay ipiprito hanggang ang buong ulam ay maging katulad ng isang crispy omelet.”
Pinakahuli naman sa listahan ng flavour encyclopedia ang balut na nakakuha ng 2.7 rating sa mga kritiko.
Itinampok din ng food database ang sinigang bilang ikapito na pinakamasarap na soup sa buong mundo, kasama ang bulalo at tinolang manok.