Total ban sa importasyon ng basura, isinusulong sa Kamara

Tuluyan nang pinapatigil ni Misamis Oriental Rep. Juliette Uy ang pag-i-import ng basura sa Pilipinas.

 

Inihain ni Uy ang House Bill 9207 na nagpapataw ng total ban sa importasyon ng anumang solid, liquefied at toxic wastes ng ibang mga bansa.

 

Giit ng kongresista, polluted na ng mga basurang galing sa ibang bansa ang ating mga ilog, lawa at karagatan.


 

Malaking insulto umano ito sa mga Pilipino at sa ating batas.

 

Bukod pa dito, problemado na tayo sa tila walang katapusang basura mula sa mga sariling siyudad, factories at mga tahanan.

 

Dahil dito, isinusulong ni Uy na hindi na dapat tumanggap ng basura mula sa ibang bansa at huwag nang pumayag na gawing tambakan ng basura ang Pilipinas.

 

Matatandaang ibinalik na kamakailan ang basura ng Canada na sinundan ngayon ng basura ng Hong Kong habang nasa bansa pa ang basura ng South Korea at municipal waste ng Australia.

Facebook Comments