Alinsunod ito sa Executive Order No. 09, Series of 2022 na nilagdaan ni Governor Manuel N. Mamba.
Nakasaad sa bagong kautusan na lahat ng baboy, live hogs for breeding purposes; fresh, frozen pork products, at uncooked processed pork products ay maaaring ibiyahe na palabas ng lalawigan.
Kakailanganin pa rin naman ang ilang dokumento gaya ng Animal Welfare Registration Certificate, Veterinary Health Certificate, Transport Carrier Registration, Handler License, ASF negative laboratory test results at Shipping permit mula sa Bureau of Animal Industry (BAI) para sa mga live hogs at breeding purposes kung papalabas ito ng Region 02.
Habang ang mga fresh, frozen pork products, uncooked o cooked processed pork products ay may mga dokumento rin na Business Permit, License to Operate, Certificate of Product Registration mula sa Food and Drug Administration, Meat Inspection Certificate (MIC), Certificate of Meat Inspection (COMI), Sanitary and Phytosanitary (SPS) import clearance mula sa BAI, Meat Transport Vehicle Accreditation at higit sa lahat ay Shipping Permit mula sa BAI lalo na kung papalabas rin ito ng Region 2.
Matatandaan na ang EO No. 33 Series of 2020 ay unang inilabas ni Gov. Mamba na nagbabawal ng paglabas sa lalawigan ng mga live hogs, fresh frozen, at processed pork products sa gitna noon ng banta ng African Swine Fever.
Layunin nito na maprotektahan sa sakit na ASF ang mga alagang baboy sa Cagayan.
Ito ay mula ng nagsimula ang outbreak ng ASF sa bansa noong September 2019 kung saan makalipas ang ilang buwan ay isa ang Cagayan na nagkaroon ng mga kaso ng ASF.