Total ban sa paputok, muling pinag-aaralan

Walang ibang nakikitang paraan ang Department of Health (DOH) para tuluyan nang mahinto ang mga firecracker related incidents sa tuwing selebrasyon ng pagsalubong sa Bagong Taon, kundi ang pagpapatupad ng total ban sa paputok.

Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na mahigpit nilang pinag-aaralan ang mungkahing total ban ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Tiwala si Duque na kayang makamit ang ipinakita ng Davao City na tuluyang ipinagbawal ang lahat ng klase ng paputok at pailaw.


Aminado kasi ang kalihim na bagaman at bumaba ng 68% ang bilang ng naputukan ngayon pagsalubong ng Bagong Taon, may mga naitatala pa rin aniya na insidente ng naputukan.

Batay sa datos ng DOH mula December 21, 2018 hanggang January 1, 2019, aabot sa 139 ang naitalang firecracker-related injuries.

Facebook Comments