Total deployment ban ng mga OFW sa Iraq, tuluyan nang ipinatupad

Tuluyan nang ipinatupad ng gobyerno ang total ban ng mga OFW sa Iraq.

Ito ay ang kinumpirma ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos mag-isyu ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ng resolusyong nagpapahinto sa pagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa sa Baghdad, kabilang ang mga Filipino seafarers.

Maliban dito, umiiral din ang total deployment ban sa Iran at Lebanon kung saan nakataas ang alert level 4 ng DFA.


Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia – sisikapin ng kanilang Rapid Response Team (RRT) na himukin ang mga OFW na nananatili sa mga nasabing na bansa na umuwi ng Pilipinas.

Pero hindi nila pipilitin ang mga ito kung nais pa rin nilang manatili.

Matatandaang nitong 2018, pinapayagan ng POEA ang mga returning workers sa Iraq sa ilalim ng balik manggagawa exemption program.

Facebook Comments