TOTAL DEPLOYMENT BAN | PAL, babawasan ang biyahe patungong Kuwait

Manila, Philippines – Magbabawas ang Philippine Airlines ng biyahe patungong Kuwait.

Ito ay makaraang magpatupad ang gobyerno ng total deployment ban sa mga Overseas Filipino Workers sa Kuwait dahil sa kaliwa’t kanang pang aabuso at pang mamaltrato sa ating mga kababayan doon.

Ayon kay Jaime Bautista ang presidente at chief operating officer ng PAL, may epekto na ang total deployment ban sa airline dahil mula sa 300 hanggang 360 na mga pasahero na kanilang naisasakay patungong Kuwait noong hindi pa umiiral ang nasabing kautusan sa ngayon, umaabot na lamang sa 30 ang bumabiyahe patungong Kuwait.


Kung dati mayroon aniya silang 4 flights per week ngayon, pag aaralan ng PAL kung ilang biyahe na lamang ang gagawin upang hindi din naman sila malugi.

Magkagayunman, hindi sinisisi ng pal ang gobyerno dahil mas importante aniya ang kapakanan ng ating mga kababayan keysa sa profit o kita.

Nabatid na ang Cebu Pacific ay matagal nang walang commercial flight patungo ng Kuwait.

Facebook Comments