Nagpatupad ng total ban ang pamahalaan sa pagpapadala ng mga mmanggagawa sa South Sudan dahil sa lumalang kaguluhan doon.
Ang lumalang karahasan sa nasabing bansa ay maaari daw na maglagay sa kapahamakan sa mga Pinoy doon.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ang deployment ban ay matapos na itaas ng Department of Foreign Affairs sa alert level 4 ang sitwasyon sa South Sudan.
Ayon sa DFA, itinaas nila mula sa alert level 2 ang sitwasyon sa South Sudan dahil sa banggaan ng pwersa na kaalyado nina President Salva Kiir at ng Protection Unit mula naman sa SPLA in Operation (SPLA-IO) ni Vice President Riek Machar.
Sa ilalim ng alert level 4, magpapatupad ng mandatory repatriation ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga Pinoy na nasa apektadong lugar.