Masasaksihan sa Pilipinas ang total lunar eclipse sa November 8.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang naturang astronomical phenomena ay magsisimula ng bandang ala-5:00 ng hapon at tatagal hanggang alas-10:00 ng gabi.
Makikita naman ang greatest eclipse sa bansa bandang ala-7:00 ng gabi.
Bukod sa Pilipinas, masisilayan din ang total lunar eclipse sa Asya; Australia; North America; bahagi ng Northern at Eastern Europe; at karamihan ng mga bansa sa South America.
Magkakaroon naman ng livestream ang PAGASA-Astronomical Observatory kaugnay sa pambihirang astronomical event sa kanilang official Facebook page at Youtube channel.
Facebook Comments