Examinees na hindi makakakuha ng 2022 Bar Examinations matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng, maaaring mag-refund!

Maaaring maibalik sa mga examinees ang ibinayad nila para sa 2022 Bar Examinations kapag hindi sila nakapag-exam matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng.

Ito ay kinumpirma ng Korte Suprema na kung saan maaaring mag-refund sa Office of the Bar Confidant sa pamamagitan ng Bar plus registered email address.


Layon ito na matulungan ang mga examinees na naapektuhan ng Bagyong Paeng.

Maaari naman magsumite ng mga katanungan hinggil sa refund sa website na 2022barexamhelpdesk at OBC Helpdesk.

Nabatid na tuloy pa rin ang 2022 Bar Examinations na itinakda sa November 9, 13, 16 at 20 na gagawin sa 14 lugar sa buong bansa.

Facebook Comments