Tour of Duty ni AFP Chief Año, pinalawig pa ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Ini-extend pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tour of duty ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año na una na niyang itinalaga bilang Interior Secretary.

Sa June 2 na kasi nakatakdang maupo si Año sa DILG pero dahil sa sitwasyon sa Mindanao kung saan nagdeklara si Pangulong Duterte ng Martial law ay pinalawig pa ng Pangulo ng 6 na buwan ang tour of duty nito.

Paliwanag ng Pangulo, ito ay upang mapangasiwaan ni Año ang military operations sa Mindanao.


Inihayag din naman ni Pangulong Duterte ang kanyang kahandaan na magtungo sa Marawi City upang makipag-usap sa Maute Group pero dapat aniyang ibaba muna ng grupo ang kanilang armas.

Nag-utos naman ang Pangulo sa militar ng shoot to kill ang sinumang may dala ng baril na lalaban sa puwersa ng pamahalaan pero hinikayat nito ang mga lisensyadong gun owners na bitbitin ang kanilang mga baril para matiyak ang kanilang seguridad.
DZXL558

Facebook Comments