Mag-asawa, patay matapos makuryente sa Antique

67

Antique – Idineklarang dead-on-arrival ang mag-asawa matapos na makuryente sa kanilang bahay sa Barangay San Roque, Anini-Y, Antique.

Nakilala ang mga biktima na sina Panny Estrada, 59-anyos at ang misis nito na si Flora Estrada, 51-anyos.


Ayon sa mga awtoridad, nag-aayos ng linya ng kuryente ang mister nang makuryente ito matapos mahawakan ang live wire.

Nagtangka namang tumulong ang misis nito pero nakuryente rin ito.

Sinubukan pang isugod ang mag-asawa sa President Diosdado Macapagal District Hospital sa Tobias Fornier, Antique pero hindi na ito umabot pa nang buhay.
DZXL558

Facebook Comments