Ayon sa ulat ng Provincial Local Government Unit ng Kalinga, gaganapin sana ito sa November 18 at 19 ngayong taon.
Ito ay dahil umano sa iniwang pinsala ng nagdaang bagyong Paeng sa probinsya na kung saan ilan sa mga lugar o tourist destinations sa lugar na nakatakda sanang bibisitahin ng mga kandidata ay nasira matapos ang pananalasa ng bagyo.
Kabilang rin sa mga nasira na prayoridad ayusin ng PLGU ang mga nasirang kalsada, kabahayan at mga taniman ng mga magsasaka.
Una nang isinagawa ang signing ng Memorandum of Agreement para sa nasabing malaking aktibidad sa pagitan ng pamahalaang panlalawigan ng Kalinga at Carousel Productions Incorporate noong Setyembre.
Samantala, inihayag ni Kalinga Governor James Edduba na kahit nakansela ang nasabing aktibidad ay naniniwala ito na mayroon pa ring susunod na pagkakataon na magho-host ang Kalinga sa mga aktibidades ng mga Beauty Queens.