PONDO NG NCIP REGION 2, KULANG

Kinumpirma ni Dr. John Paul Tong, Information Officer ng National Commission on Indigenous Peoples o NCIP Region 2 na hindi sapat ang kanilang pondo.

Sa ika-animnaput limang episode ng Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran ng Tactical Operations Group (TOG) 2 kung saan nagsilbing panauhing pandangal si Dr. Tong ay kaniyang sinabi na limitado lamang ang kanilang pondo para sa kanilang mga proyekto.

Dahil dito ay limitado lang din ang kanilang natutulungan at naserserbisyuhan gaya ng mga nabibigyan ng scholarship.

May mga proposed projects din aniya ang NCIP na hindi na nabigyan ng budget dahil sa kakulangan ng pondo nito.

Gayunman, gumagawa pa rin naman ng paraan ang kanilang tanggapan para mapunan ang kakulangan ng kanilang pondo para maisakatuparan ang iba pa nilang proyekto.

Sa kasalukuyan, mina-maximize na lamang nila ang natitirang pondo ng NCIP para sa mga proyekto at programa nito upang sa ganon ay maiangat rin ang pamumuhay ng mga IP.

Facebook Comments