TOURISM PRODUCT | Buong Pilipinas, posibleng maapektuhan ng total closure ng Boracay

Manila, Philippines – Naniniwala ang Tourism Congress of the Philippines
(TCP) na buong Pilipinas ang maapektuhan kapag isinara ang buong Boracay sa
loob ng isang taon.

Paliwanag ni TCP President Jojo Clemente, bagamat isang lugar lamang
Boracay, pero bahagi ito ng tourism product ng bansa.

Dagdag pa ni Clemente, ang boracay ay pangunahing destinasyon sa mga tour
packages na ini-aalok ng mga travel agencies sa mga dayuhang turista.


Sinabi naman ni Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority
(TIEZA) General Manager Pocholo Paragas, suportado nila ang temporary
closure ng Boracay dahil mayroon silang nakabinbing proyekto na
pag-overhaul sa drainage system ng isla.

Nitong 2017, ang aklan ang nakapagtala ng higit 14% na pagtaas ng tourist
arrivals o katumbas ng 2.2 million.

Facebook Comments