Tourism Sector, hinikayat na samantalahin ang interest-free loan packages

Hinimok ng Department of Tourism (DOT) ang entrepreneurs sa tourism sector na i-avail ang interest-free loans mula sa ₱6 billion na package ng national government.

Sa gitna ito ng pagbangon ng industriya mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Tourism Director for Tourism Standards and Regulation Virgilio Maguigad, umabot lamang sa ₱145 million ang nailabas mula sa applications para sa loan package.


Dagdag pa ng opisyal, dapat aniyang samantalahin ang pagkakataon lalo’t one-time service charge lamang ang sisingilin.

Paliwanag ni Maguigad, ang 6-billion COVID-19 Assistance to Restart Enterprises for Tourism Rehabilitation and Vitalization of Enterprises and Livelihood ay nasa ilalim ng Bayanihan 2.

Bukod dito, naglaan ang pamahalaan ng ₱3 bilyon para sa mahigit 100,000 tourism workers sa buong bansa.

Facebook Comments