Construction Worker, Patay sa Saksak ng kanyang Kainuman

31

Cauayan City, Isabela- Hindi na umabot pa ng buhay sa pagamutan ang construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang kainuman sa kanilang pinagtatrabahuhang construction site sa isang pribadong hospital sa Brgy. Cabaruan, Cauayan City, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng iFM Cauayan sa PNP, nakilala ang biktima na si Juanito Laput, may-asawa at residente ng Makati City habang ang suspek ay nakilala naman na si Victor Luendas, 47 anyos, may asawa, at residente naman ng Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, kasama ng suspek at biktima ang ilan pa nilang mga katrabaho bago maganap ang insidente na kasalukuyang nag-iinuman sa lugar at ilang saglit pa ng umalis na rin ang mga ito matapos maubos ang ilang bote ng alak.


Makalipas ang ilang minuto,nakarinig ng sigaw ang mga kasamahan nila sa trabaho kung saan tumambad sa kanila ang nakahandusay at duguan na katawan ni Laput habang ang suspek ay dumiretso sa kanyang kwarto na parang walang nangyari.

Boluntaryong isinuko naman ng suspek ang kanyang sarili sa mga rumespondeng kasapi ng Cauayan City Police Station na nahaharap sa kaukulang kaso.

Facebook Comments